Budget friendly pero masarap na korean foods, alok ng South Bao Lane

Budget friendly pero masarap.

Ito ang klase ng mga produktong ipinagmamalaki ng South Bao Lane na tampok ngayon sa Business as Usual.

Ayon sa owner na si Riri Chua, sa una ay korean foods lamang ang kanilang mga ibinebenta pero nagdesisyon silang dagdagan pa ito para mas maraming pagpilian ang customers.


Bilang isa ring dating chef sa cruise ship, naging malaking bagay ang kaniyang mga natutunan para matiyak na swak sa customers ang kanilang produkto.

Bagama’t maraming pinagdaaanang pagsubok sa loob nang 9 na buwan ay nadadagdagan naman ang blessings at nasa 15 na ang kanilang franchise sa ngayon.

Facebook Comments