Budget hearing sa Appropriations Committee, tiniyak na matatapos hanggang August 24

Manila, Philippines – Kampante si Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles na matatapos nila ang budget hearing sa committee level hanggang sa August 24.

Ayon kay Nograles, mabilis ang naging proseso ng deliberasyon sa pambansang pondo dahil sa kooperasyon at masipag na pagdalo ng mga kongresista sa budget hearing.

Sa ngayon aniya ang mga nakasalang pa na ahensya sa komite ay ang DOST, DFA, DepEd, COMELEC, DOTr, Office of the President, at DOJ.


Itutuloy naman ang pagtalakay sa na-defer na budget ng DA at DICT sa August 23 at 24.

Nasa 12.4% ang itinaas na budget sa susunod na taon o 3.767 Trillion kumpara ngayong taon na may 3.35 trillion.

Pinakamalaking bahagi ng budget ay mapupunta pa rin sa sektor ng edukasyon, sumunod ang DPWH, DILG, DOH, DND, DSWD, DOTr, DA, ARMM at DENR.

Facebook Comments