BUDGET HEARING SA DAGUPAN CITY, PATULOY PA RING SA PAGDINIG

Naganap kahapon ang committee hearing ng Dagupan City ukol pa rin sa pag-apruba sa nakabinbing annual budget ng lungsod para sa taong 2023.
Matatandaan na makailang session na ang nagaganap na pangunahing agenda ay ang pag-apruba nito dahil marami na umanong pending na mga programa at proyekto para sa kapakanan sana ng mga Dagupeño.
Noong nakaraang session din ay matatandaaang nagtungo na mismo ang DILG Provincial Director na si Virgilio Sison upang linawin at ipaalala sa mga Sangguniang Panlungsod na tanging tatalakayin sa mga sessions ay ang pag-apruba ng badyet at walang kahit anong agenda ang pag-uusapan hanggat hindi natatapos ang ukol sa pag-apruba annual budget.
Samantala, sa Marso 14 umano ang huling araw ng budget hearing at inaasahan ang pagdalo ng lahat ng Department heads na inimbitahan upang maaprubahan na ang budget ng lungsod.
Facebook Comments