Budget hearings ng Kamara, tuloy pa rin kahit inirekomenda ng party leaders na ibalik sa DBM ang 2026 NEP

COURTESY: House of Representatives of the Philippines/Facebook

Magpapatuloy pa rin ang nakatakdang budget hearings ng House Committee on Appropriations hanggang September 16 sa ₱6.793 trillion na 2026 National Expenditure Program (NEP).

Inihayag ito ni Committee Chairperson at Nueva Ecija 1st District Representative Mika Suansing sa kabila ng rekomendasyon ng mga lider ng iba’t ibang partido sa Kamara kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ibalik ang 2026 NEP sa Depatment of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Suansing, sang-ayon ang party leaders na ituloy pa rin ng Kamara ang budget deliberations.

Una rito ay inihayag ni House Deputy Speaker Rep. Ronaldo Puno na sya ring Chairman ng National Unity Party, na nais ng party leaders na itama o plantsahin muna ng DBM ang “poorly constructed” at puno ng iregularidad na 2026 NEP bago nila ipagpatuloy ang budget deliberations.

Sa ngayon ay nasa ikatlong linggo na ang ginagawang budget hearings ng House Committee on Appropriations na nagsimula noong August 18.

Facebook Comments