Target na tapusin ng Senate Committee on Finance ang pagdinig sa P5.768 trillion 2024 national budget bago matapos ang buwan ng Oktubre.
Ayon kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, plano nilang tapusin ang pagdinig sa komite ng mga budget ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa kalagitnaan o huling linggo ng Oktubre.
Dahil dito, kahit naka-session break ang Kongreso ay tuloy pa rin ang trabaho dahil sunud-sunod na ang isasagawang committee at subcommittee hearings para sa budget ng susunod na taon.
Pagkatapos ng mga pagdinig sa komite ay maglalabas sila ng committee report at sa unang linggo ng Nobyembre naman nila planong sponsoran ang 2024 national budget sa plenaryo.
Ngayong linggo ay umpisa na ang mga budget hearings sa Mataas na Kapulungan kung saan unang sasalang ang Judiciary.