Budget increase para sa mga ahensyang may kaugnayan sa mga bata at mag-aaral, ikinatuwa ng isang kongresista

Nagpaabot ng pasasalamat si BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co kay Senate Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara.

Kaugnay ito sa paglalaan ng Senado ng malaking dagdag sa 2023 budget ng mga ahensyang responsable sa kapakanan ng mga bata at mga estudyante sa bansa.

Kabilang sa tinukoy ni Co na mga ahensyang tinaasan ang pondo ay ang Council for the Welfare of Children, Juvenile Justice and Welfare Council, National Authority for Child Care at Philippine Commission on Women.


Kasama rin sa binanggit ni Co ang National Nutrition Council, Philippine Children’s Medical Center, Department of Health, Early Childhood Care and Dev. Council, Commission on Higher Education, Department of Education, University of the Philippines at mga State Universities and Colleges sa Bicol Region.

Diin ni Co, ang budget increase sa naturang mga ahensya ay nakakalugod na nataon pa ngayong National Children’s Month.

Facebook Comments