Budget increase para sa seguridad ng UP, kinatigan ng isang kongresista

Handa si Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list RepresentativeBernadette Herrera na isulong na madagdagan ang pondo para sa University of the Philippines (UP).

Layunin nito na mapahusay ang seguridad sa Diliman campus ng unibersidad upang hindi na maulit ang insidente ng pagmolestiya sa isa nitong estudyante.

Ayon kay Herrera, ang dagdag pondo ay maaaring gamitin sa pagpapalakas ng UP Diliman campus police, dagdag na security infrastructure at mga sasakyan para agad makaresponde sa mga insidente.


Iminungkahi rin ni Herrera ang pagkakaroon ng ID system para sa mga bisita, residente o transients sa loob ng Campus gayunin sa buong Barangay UP Diliman at mga kalapit pa nitong barangay.

Facebook Comments