BUDGET | Karagdagang 11 billion pesos para sa free tertiary education, isinusulong ng DBM

Manila, Philippines – Mula sa kasalukuyang 40 billion pesos na budget ng pamahalaan para sa libreng edukasyon sa States Universities at Colleges (SUCs), isinusulong ngayon ng Department of Budget and Management (DBM) na maitaas ito sa 51 billion pesos para sa 2019.

Ayon kay DBM Secretary Benjamin Diokno, sa pondong ito, 44 billion pesos ang ilalaan sa Commission on Higher Education, habang ang natitirang 7 bilyong piso ay ilalaan naman sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Kaugnay nito, payo ng kalihim sa mga presidente at top executives ng mga State Universities at Colleges, mag invest sa page- employ ng mga maaasahang faculty members, dahil malaki ang ambag ng mga ito sa pagkaaroon ng maganda performance ng mga magaaral.


Facebook Comments