Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang gamit ngayon na budget ng administrasyong Marcos ay mula pa sa Duterte administration.
Ayon kay Cruz-Angeles, kailangan pa nilang maghintay sa ngayon para makapagbalangkas ng sarili nilang budget na para sa 2023.
Paliwanag pa ni Cruz-Angeles na taong 2021 pa nailatag ng administrasyong Duterte ang naturang budget na siyang ginagamit sa kasalukuyan.
Dagdag pa ni Cruz-Angeles, nasa mahigit limang trilyong piso ng 2022 General Appropriations ang nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ginagamit sa COVID-19 response, pagbili ng bakuna at pagpapaayos ng mga paaralan at unibersidad.
Facebook Comments