Tiniyak ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1ST District Representative Jefferson Khonghun ang mahigpit na pagbusisi sa pondo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kapag sumalang na ito sa budget deliberation ng Kamara.
Sabi ni Khonghun, ito ay para matiyak na nagagamit ng tama ang budget ng BFAR na nakalaan para itulong sa mga mangingisdang Pilipino.
Sa harap na rin ito ng limitado nilang pangingisda sa ating karagatan sa West Philippine Sea dahil sa patuloy na paggigipit ng China.
Tugon ito ni Khonghun sa mga reklamo ng fishing community hinggil na kakaunti umano ang suporta na kanilang natatanggap mula sa BFAR kumpara sa aktuwal na pangangailangan upang mapanatili ang kanilang kabuhayan.
Una ring isinulong ni Khonghun na imbestigahan ng Kamara ang umano’y kabiguan ng BFAR na magkaloob ng sapat na bangka at iba pang suporta sa mga mangingisda Pilipino sa West Philippine Sea.