Budget ng CHR at DPWH para sa 2018, aprubado na

Manila, Philippines – Aprubado na ng Senado ang budget ng Commission on Human Rights (CHR) na P693 milyon budget para sa 2018.

Ito ay mas malaki ng p156 milyon kung saan kasama dito ang 28.5 milyong piso na alokasyon para sa human rights violations victim’s memorial commission.

Una nang binigyan ng kamara ng P1,000 na budget ang CHR hanggang sa palitan ito at bigyan ng P537 milyong budget.


Maliban rito, inaprubahan na rin ang P626 bilyong budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kabilang sa paggagamitan ng pondo ay ang muling pagsasaayos ng Marawi City kabilang ang Lake Lanao circumferential road na siyang makakatulong sa pag-unlad ng lugar.

Facebook Comments