Budget ng CHR, hiniling na dagdagan pa dahil sa dagdag na trabaho

Manila, Philippines – Humirit si Ifugao Rep. Teddy Baguilat ng Magnificent 7 na dagdagan pa ang budget ng Commission on Human Rights.

Ito ay matapos na maibalik ang orihinal na 678 Million pesos mula sa balak na bigyan lamang ng 1-libong pondo ang ahensya.

Ayon kay Baguilat, ngayong naibalik ang hiling na pondo ng CHR mas dapat pang dagdagan ang budget dito sa 2018 dahil sa mga dagdag na trabahong napagkasunduan matapos ang pulong kay House Speaker Pantaleon Alvarez.


Giit ni Baguilat mas lalo pang pinalawig ang mandato ng CHR na ang trabaho lamang ay protektahan ang karapatan ng mga tao laban sa pangaabuso ng estado o gobyerno kaya nararapat lamang na taasan pa ang pondo nito.

Naniniwala naman sina Magdalo Rep. Gary Alejano at Akbayan Rep. Tom Villarin na kaya naibalik ang pondo ng CHR ay dahil na pressure ang Mababang Kapulungan sa mga batikos na natanggap mula sa publiko.

Facebook Comments