Budget ng DOST sa 2020, pinadadagdagan

Manila, Philippines – Hiniling ni Kabataan Representative Sarah Elago na dagdagan naman sa 2020 ang budget ng Department of Science and Technology (DOST).

Sa proposed budget ng DOST sa susunod na taon, aabot sa P20.181 billion ang pondo ng ahensya.

Mas mababa ang pondo ng DOST ng P79.85 million sa 2020 kumpara sa budget ngayong taon na P20.262 billion.


Reklamo ni Elago, hindi hamak na mas mataas pa ang pondo ng AFP Modernization na nakapako na sa P25 billion kada taon simula 1995.

Umalma din ang mambabatas sa mababang pondo ng PAGASA sa 2020 na nasa P1.4 billion o 7.1% lamang ng kabuuang DOST budget at ang pondo sa Food and Nutrition Research and Institute (FNRI) na nasa P533 million lamang.

Dapat aniyang mapagtuunan ng pansin ng gobyerno ang science and technology para sa national development at sa ikabubuti ng nakakarami.

Facebook Comments