Budget ng DOTR, dumoble sa 2020

Doble ang itinaas ng budget ng Department of Transportation (DOTr) para sa taong 2020.

Sa budget presentation ng ahensya, iprinisinta ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang P147 Billion na budget ng DOTR sa susunod na taon.

Doble ang itinaas ng pondo ng DOTR o nasa 112.29% kumpara sa budget ngayong taon na nasa P69.255 Billion lamang.


Pinakamalaki ang inilaan na pondo para sa Capital Outlays na P116.550 Billion o nasa 170.83% ang itinaas para sa purchase ng equipment, pagsasaayos at rehabilitation partikular ng mga railways sa bansa.

Aabot sa P100.6 Billion ang alokasyon naman para sa konstruksyon, rehab at upgrade ng mga railways sa bansa kasama na dito ang Mindanao Railway Project.

Facebook Comments