Budget ng DPWH sa bawat distrito, dapat isapubliko

Sa ngalan ng transparency, iginiit ni Navotas Representative Toby Tiangco sa House Committee on Appropriations na isapubliko sa official website ng Kamara ang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inendorso ng mga party-list representatives para sa bawat distrito.

Ayon kay Tiangco, ito ay para hindi na maulit ang umano’y budget insertions na hindi alam o hindi naman ni-request ng kinatawan ng distrito.

Binigyang-diin ni Tiangco na mahalagang makita ng taumbayan kung sino ang proponent ng proyekto para malinaw, at kung alam ba ito ng district representative para walang turuan kapag may problema na ang proyekto.

Ipinunto ni Tiangco na kung may transparency sa lahat ng distrito at pati sa party-list allocations, mawawala ang espasyo para mamanipula ang budget na nagiging dahilan ng pagkawala ng tiwala ng taumbayan sa mga proyekto ng gobyerno.

Facebook Comments