Budget ng NFA sa 2023, tinapyasan

Binawasan ng Senate Finance Subcommittee ang panukalang budget ng National Food Authority (NFA) para sa susunod na taon.

Mula sa P12 billion na panukalang budget ng NFA na nakapaloob sa 2023 National Expenditure Program (NEP) ay tinapyasan ito mula sa orihinal na budget proposal ng ahensya na P9 billion.

Ang pondo ay kakasya sa siyam na araw na buffer stock na 300,000 metriko tonelada ng bigas.


Nailusot din sa Finance subcommittee ang pondo matapos na bawiin ni Senator Francis Tolentino ang mosyon nito na i-defer ang 2023 budget ng NFA dahil sa hindi masagot kung para saan ang P5 billion na dagdag na pondo sa kabuuang P12 billion na unang iprinisintang budget ng ahensya.

Nagturuan din sa dagdag na pondo na ito ang NFA at Department of Budget and Management (DBM) na kapwa rin itinatanggi na sila ang may pakana.

Facebook Comments