Budget ng NTF-ELCAC para sa susunod na taon, pwedeng maitaas sa bicameral conference committee

May tsansa na madagdagan ang budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC sa susunod na taon.

Ayon kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, pwede itong mangyari sa pagtalakay ng bicameral conference committee sa panukalang 2022 national budget.

Pero paglilinaw ni Angara, maitataas ang budget para sa NTF-ELCAC kung may matutukoy silang ahensya o programa na pwedeng tapyasan ng budget.


Sa bersyon ng Senado ng 2022 budget ay 10.8 billion pesos ang inilaan sa baranggay development program ng NTF-ELCAC sa 2022 na mas mababa sa 16.4 billion pesos na budget nito ngayong taon.

Facebook Comments