Hindi na nagawang busisiin pa ang budget ng Office of the President (OP) sa 2020.
Wala pang sampung minuto ay agad na inaprubahan sa House Committee on Appropriations ang pondo ng OP na nasa P8.201 Billion.
Ang naturang halaga ay mas mataas ng 21.07 percent kumpara sa P6,773,939 alokasyon ng OP sa ilalim ng 2019 General Appropriations Act (GAA).
Pinakamalaking bahagi ng 2020 budget ng OP ay inilalaan sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa halagang P6.7 Billion.
Pumapangalawa rito ang para sa Personnel Services sa halagang P1.1 Billion habang P427,462 naman ang para sa capital outlay.
Si Executive Sec. Salvador Medialdea ang dumalo sa deliberasyon ng komite sa 2020 budget ng OP.
Facebook Comments