Manila, Philippines – Halos kalahati ang ibinawas ng budget ng Office of the Ombudsman para sa taong 2018.
Nasa 4.1 Billion ang orihinal na pondo na hinihingi ng Ombudsman pero aabot na lamang sa 2.588 Billion ang inaprubahang pondo.
Inabot lamang ng sampu hanggang labing limang minuto ang pagdinig sa Ombudsman budget.
Umalma naman si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa maliit na pondo ng kanyang tanggapan sa susunod na taon.
Giit nito, kulang ang kanilang alokasyon para tugunan ang kanilang mga proyekto sa susunod na taon mula sa pagtayo ng bagong gusali, pagkuha ng dagdag tauhan at pondo para sa whistleblowers.
Para makatawid sa kakulangan ng pondo, hiniling ni Morales na panatilihin ang otorisasyon sa kanilang tanggapan para gamitin ang anumang savings na matitira ngayong taon na siyang kinatigan naman ng Mababang Kapulungan.