Budget ng PAOCC, pinatataasan ng Senado

Pinadaragdagan ni Senator Sherwin Gatchalian ang pondo ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) bilang suporta sa pagsisikap na labanan ang Philippine Offshore Gaming Operators o mga POGO.

Sinabi ni Gatchalian na kapuri-puri ang pangunguna ng PAOCC sa mga sunud-sunod na raid laban sa mga POGO nitong mga nakaraang buwan subalit sa kasamaang-palad, hindi sapat ang kanilang manpower upang ipagpatuloy ang mga karagdagang operasyon.

Ayon kay Gatchalian, mahalaga para sa PAOCC na mapanatili ang kanilang kampanya laban sa mga POGO upang epektibong maisakatuparan ang utos ng pangulo na ganap na ipagbawal ang mga POGO bago matapos ang taon.


Kailangan aniya ng PAOCC na madagdagan pa ang kanilang tauhan, kagamitan, at iba pang kinakailangang suporta para mas mapalakas ang kanilang operasyon at masiguro ang mabilis at epektibong pagtugon sa mga kaso.

Batay pa sa PAOCC, may 250 na mga POGO ang maaaring nag-ooperate pa rin ng walang lisensya at maaaring sangkot sa iba’t ibang kriminalidad.

Facebook Comments