Budget ng PCG, dapat dagdagan kasunod ng Recto Bank incident

31

Manila, Philippines – Pinapadagdagan ni Senator Richard Gordon ang pondo para sa Philippine Coast Guard o PCG para higit na mapahusay ang kapabilidad nito.

Mungkahi ito ni Gordon, matapos ang pagbangga ng isang Chinese vessel sa bangkang sinasakyan ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank.


Diin ni Gordon, mahalagang mapalakas at mabigyan ng sapat na kagamitan ang Philippine Coast Guard (PCG), gayundin ang Philippine Navy, para agad itong makasaklolo sa mga Pilipinong mangingisda na malalagay sa panganib sa karagatan.

Ipinunto pa ni Gordon na malaking bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ay dagat at nasa mahigit 36,000 kilometers ang  baybayin na doble ang haba kumpara sa baybayin ng Estados Unidos.

Bukod dito ay isinulong din ni Gordon ang kahalagahan na mapalakas ang Philippine Air Force para mas mabigyang proteksyon ang ating teritoryo.

Facebook Comments

From Advertisers