Budget ng PDEA, pinadadagdagan

Pinadadagdagan ni Buhay Rep. Lito Atienza ang budget Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ngayong nailipat na rito ang tungkulin para pangunahan ang war on drugs campaign ng pamahalaan.

Sabi ni Atienza, masyado kasing maliit ang budget ng PDEA na nasa 2.59 million lang para sa susunod na taon.

Hiniling ni Atienza na kung pwede ay ilipat na lang sa PDEA ang inalis na 9 million pesos na pondo para sa oplan tokhang ng Philippine National Police.


Ito ay para magampanan ng PDEA ang kanilang trabaho na mangangailangan ng 10 hanggang 15 milyong piso.

Gagamitin aniya ito sa pag-hire ng mga dagdag na tauhan at mga kagamitang kakailanganin para magawa ang dagdag na trabaho na ibinigay sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments