Budget ng Philhealth para sa implementasyon ng Universal Health Care Law, kulang pero pagpapatupad ng batas tuloy na sa 2020

Handang-handa na ang Philippine Insurance Health Corporation para ipatupad ang full implementation’ ng Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Law makatutulong sa mahihirap na sektor sa bansa.

Pero ngayon pa lamang ay inamin na ni Philhealth President and Chief Executive officer Ricardo Morales na kulang na kulang ang i-binigay na budget, kung ang pagba-basehan ay ang una nang inaprubahan ng kamara.

Sa proposed budget ng Philhealth for 2020, 153-billion pesos ang hinihingi nitong pondo pero sabi ni Morales, 92-billion pesos pa lamang ang inisyal na na-aprubahan.


Gayunman giit ng opisyal, tuloy na ang implementasyon ng universal health care dahil walang mahihirap sa bansa na mapagkakaitan ng tulong sa usapin ng pangkalusugan.

Kung sakali man aniya na hindi na madaragdagan pa ang pondo sa paghimay ng senado, tiniyak ni Morales na hindi makakaltasan ang nakalaan para sa mga ‘Indigent’ na umaasa sa Philhealth.

Facebook Comments