BUDGET | Office of the President, humiling ng P6.77-B budget para sa susunod na taon

Manila, Philippines – Humihiling si Pangulong Rodrigo Duterte ng 6.77 billion pesos na budget para sa kanyang tanggapan para sa susunod na taon.

Mataas ito kumpara sa P6.03 billion allocation ngayong taon.

Sa ilalim ng proposed appropriations para sa Office of the President (OP), 5.18 billion pesos ay ilalaansa maintenance at operating expenses, 1.07 billion pesos para sa personnel services at 511 million pesos para sa capital outlay.


Hindi naman magbabago ang proposed intelligence expenses na nasa 1.25 billion pesos at confidential expenses na nasa 1.25 billion pesos.

Binawasan naman ang travel funds ng OP sa 795 million pesos sa 2019 mula sa 884 million pesos budget ngayong taon.

Una nang sinabi ng Malacañang na ang pagpasa sa 2019 national budget ay pagsubok para sa bagong liderato ng Kamara na si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Facebook Comments