Manila, Philippines – Makakatanggap ang Office of the Vice President ng 447.6 million pesos na budget sa ilalim ng proposed P3.757 trillion 2019 national budget.
Mababa ito kumpara sa 543 million pesos na inilaan para sa opisina ni Vice President Leni Robredo ngayong taon.
Mula sa 2019 OVP budget, halos 350.1 million ang mapupunta sa maintenance at iba pang operating expenses.
94.5 million pesos para sa personnel services at tatlong milyong pisong capital outlay.
Sa ilalim ng kasalukuyang national budget, hiniling ng executive branch na bigyan ng 443 million pesos na budget ang OVP pero dinagdagan ito ng kongreso ng 100 milyong piso para palakasin ang mga poverty alleviation projects ng OVP.
Facebook Comments