Budget para sa Bahay Pag-asa, hindi kasama sa 2019 budget

Manila, Philippines – Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, walang nakalaan sa 2019 budget para sa pagpapatayo ng Bahay Pag-Asa kung saan ipapasok ang mga menor de edad na gumawa ng krimen o itinuturing na children in conflict with the law.

Pahayag ito ni drilon, makaraang sabihin sa senate hearing ni Juvenile Justice and Welfare Council executive director Atty. Tricia Clare Oco na 63 lang ang bahay pag-asa sa buong bansa.

Sabi ni Oco, hindi rin maayos ang kondisyon sa mga Bahay Pag-asa dahil walang tulugan, hindi sapat ang mga kagamitan at staff at walang mga programang nakalatag para sa rehabilitasyon ng mga menor de edad na magkakasala sa batas.


Lumabas sa hearing na hind nagampanan ng karamihan sa mga local government units o LGUs ang kanilang responsibilidad na ilaan ang bahagi ng kanilang internal revenue allotment sa pagpaptayo at pagmantine ng mga Bahay Pag-asa.

Sabi naman ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda, 120 million pesos ang pondong nakapaloob sa 2018 budget para sa Bahay Pag-Asa pero hindi naman ito ginamit ng Dept. of Social Welfare and Development.

Facebook Comments