Budget para sa Disaster Risk Reduction programs, mas dapat itaas kumpara sa confidential at intelligence funds

Iginiit ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa pamahalaan na taasan ang budget para sa Disaster Risk Reduction programs sa halip na dagdagan ang confidential at intelligence funds.

Hiling ito ni Castro sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Paliwanag ni Castro, hindi magiging sapat ang tulong na ipinagkakaloob sa ating mga kababayang biktima ng kalamidad kung hindi bibigyan ng lubos na atensyon ang pagpapalakas sa disaster risk reduction programs.


Diin ni Castro, wala dapat Pilipinong mabuhay sa takot at gutom sa tuwing may tatamang kalamidad sa bansa dahil sa kapabayaan ng gobyerno.

Facebook Comments