Budget para sa imprastraktura na makakatulong sa agrikultura, aprubado na ni Secretary Piñol

190

Manila, Philippines – Pirmado na ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol ang 20.3 bilyong pisong na pondo para sa paged-develop ng mga imprastraktura at puhunan na mapapakikinabangan ng mga magsasaka at mangingisda.

Kung maalala, milyong milyong piso ang nawawala sa hanay ng agrikultura nang dahil lamang sa bako-bakong daanan.

Ayon kay Secretary Piñol, farm to market road o kalsada mula sa sakahan papuntang palengke ang kanilang ipapaayos.

Base sa kanilang pag-aaral, 372 na daanan sa ibat ibang panig ng bansa ay nagkakahalaga ng halos 20 bilyong piso.

DZXL558

Facebook Comments