BUDGET PARA SA MGA CURRENT SCHOLARS NG DAGUPAN CITY, MULING TINALAKAY SA COMMITTEE HEARING

Binigyang paglilinaw ang tungkol sa di umano hindi pa naibibigay na budget para sa mga current scholars ng Dagupan City sa isinagawang hearing ng scholarship committee.
Sa napag-usapan sa hearing, nilinaw ng Accounting office, Budget office, at Treasurer’s office ng lungsod na wala pa raw sila di umanong natatanggap na listahan ng mga pangalan ng scholars na makatatanggap sana ng scholarship grant.
Nasa limampu’t-limang milyong piso ang budget para sa mga current scholars na diumano hindi pa naibibigay.

Panawagan naman ni SP member Councilor Red Mejia sa mga scholars lalo na sa mga current scholars ng Dagupan City, huwag sana silang mawalan ng pagasa dahil makukuha rin nila ang allocated na budget para sa kanila dahil nasa Mayor’s office na ang pera.
Dagdag niya, implementasyon na lang ang kulang at hintayin na lamang ang desisyon ng chairman ng scholarship committee kung kailan ididistribute ang nasabing scholarship budget. |ifmnews
Facebook Comments