Aminado ang National Housing Authority (NHA) na hindi nila matulungan ang mga biktima ng kalamidad na nawalan ng tirahan dahil hinihintay nila ang paglalabas ng ₱1 billion budget para sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP).
Sa pagdinig ng Senado sa panukalang ₱3.98 billion budget ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), sinabi ni NHA General Manager Marcelino Escalada Jr. na wala silang magagawa kapag wala pa ang budget.
Sinabi rin ni Escalada, wala silang natanggap na anumang alokasyon para sa Taal eruption noong Enero.
Nagbukas lamang sila ng imbentaryo para sa mga Taal evacuees kung saan nasa 10,000 available units sa probinsya ng Batangas, Cavite, Laguna ang inalok sa kanila.
Nasa 600 internally displaced persons na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal ang nailipat na sa kanilang bagong bahay sa Ibaan, Batangas habang ang iba ay nagpasya pa ring manatili sa kanilang hometown.
Sinabi naman ni DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario, nasa 2,600 na bahay ang nasira at hanggang sa ngayon nasa 2,100 na pamilya ang kailangang i-relocate.
Nasa higit 14,000 na bahay naman ang partially damaged.
Paglilinaw naman ng Department of Budget and Management (DBM) na nailabas na ang ₱1 billion allocation para sa EHAP para kailangan pa ang approval mula sa Office of the President.