Manila, Philippines – Posibleng kunin sa income ng casino at lotto ang pondo para sa implementasyon ng Universal Healthcare Act.
Ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na siyang pangunahing may akda rin ng nasabing panukala. Ang mga buwis umano sa mga bisyo ay gagamitin para pondohan ang nasabing panukala.
Sinabi pa ni Recto na bukod sa multi-bilyong pisong kita ng casino at lotto, pwede ring pagkunan ng pondo ang koleksyon sa sin tax o buwis sa alak at sigarilyo.
Dagdag pa ni Recto, naka-pledge na sa Universal Healthcare Act ang incremental sin tax collections mula sa tobacco at alcohol.
Nabatid na umabot ng P187 bilyon ang kabuuang sin tax collection noong 2017 kung saan makakatulong ito bilang pondo para mapangalagaan ang kalusugan ng sambayanang Pilipino.