BUDGET | Proposed 2019 national budget, isinumite na ni Pangulong Duterte sa Kongreso

Manila, Philippines – Isinumite na ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa approval ng Kongreso ang panukalang 3.757 trillion pesos national budget para sa taong 2019.

Ang proposed 2019 budget ay ikinukunsiderang first cash-based budget ng Duterte Administration para bigyang daan ang mahusay na paghahatid ng public services partikular sa imprastraktura, edukasyon, kalusugan at iba pang social services.

Base sa budget message ni Pangulong Duterte sa Kongreso, ang panukalang budget ay makakatulong para maialis ang mamamayan sa kahirapan at mapanatili ang law and order.


Sa ilalim ng proposed budget, naglaan ang gobyerno ng 1.377 trillion pesos para sa social services o 36.7% ng kabuoang budget.

Kasunod nito ang economic services (28.4% o 1.068 trillion pesos), general public services (18.9% o 709.1 billion pesos), pagbabayad ng utang (11.0% o 414.1 billion pesos) at defense (5.0% o 555.7 billion pesos).

Ang Department of Education (DepEd) ang may malaking napaglaanan ng pondo na nasa 659.3 billion pesos, kasunod ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na may 555.7 billion pesos.

Kabilang sa mga ahensyang may malaking budget allocation ay: Department of Interior and Local Government (DILG); Department of National Defense (DND); Department of Social Welfare and Development (DSWD); Department of Health (DOH); Department of Transportation (DOTr); Department of Agriculture (DA); Judiciary at ARMM.

Samantala, kinumpirma ni Budget Secretary Benjamin Diokno na natanggap na ng Office of the Speaker ang 2019 budget bill.

Facebook Comments