Inirekomenda ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Representative Paul Daza ang pagdaragdag ng pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Ito ay para maitaas sa P3,000 ang kasalukuyang P2,000 na ayuda sa mga pamilyang benepisyaryo nito sa harap ng patuloy na tumataas ng mga bilihin, pananatili ng pandemya at epekto sa ekonomiya ng gyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ang mungkahi ni Daza ay sa gitna ng plano ng Department of Social Welfare and Development na alisin sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang 1.3 milyong pamilya.
Sabi ni Daza, dapat maging maingat sa pagbabawas ng benepisaryo sa 4Ps dahil mukhang mas marami ngayon ang naghihirap.
Binanggit din ni Daza, base sa datos ng gobyerno ay tumaas sa 23.7 percent nitong 2021 ang naitalang 21.1 percent noong 2021 na poverty incidence sa Pilipinas.
Sabi ni Daza, nanngangahulugan ito na nadagdagan ng 3.9 milyon ang mga Pilipinong namumunay sa kahirapan.