Budget sa pagpapagawa ng classrooms, inalis na ni PBBM sa DPWH

Ipinadideretso na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lokal na pamahalaan ang pondo para sa pagpapagawa ng mga silid-aralan, sa halip na sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito’y matapos mabunyag sa Senado na 22 classrooms lang ang natapos ng DPWH sa target na 1,700 dahil mas tinutukan umano ang flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, sa ilalim ng bagong patakaran, direkta nang mapupunta sa LGU ang pondo, habang minomonitor ng DPWH at Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng proyekto para sa mas mabilis na implementasyon.

Magpupulong at pipirma ng kasunduan ang DPWH, DepEd, at mga LGU para sa implementasyon ng bagong sistema.

Batay sa datos, may backlog pa na 2,370 classrooms sa buong bansa.

Target ng gobyerno na matapos ang 200 bago matapos ang 2025, 822 naman sa ikalawang quarter ng 2026, at 2,000 sa ikatlong quarter ng susunod na taon.

Facebook Comments