BUDGET SA RIGHT OF WAY NG MGA INFRASTRUCTURE PROJECTS SA PANGASINAN, MUNGKAHI NG ISANG KONGRESISTA SA DPWH

Panawagan ngayon ng isang mambabatas sa Pangasinan ang budget para sa right of way bilang simula sa maayos na pagpapatupad ng mga proyektong pang- imprastraktura.

Sa dinaluhang pagpupulong ni 2nd District Representative Mark Cojuangco, inilahad nito na susi ang kanyang panawagan upang masolusyonan ang pagbaha partikular sa kanyang distrito.

Ipinunto rin ng mambabatas ang pasanin ng pagbaha sa mga bayan na dinadaluyan ng Agno River na karamihan sa tributaryo ay sakop ng ikalawang distrito ng Pangasinan ngunit lumalabas sa ilang datos na may pinakamababang alokasyon para sa flood control na nasa higit P659 milyon lamang.

Idinetalye rin ni Cojuangco ang suhestyon natin na idepina sa GPS ang Agno River na may sukat ang lapad, lalim sa bawat lokasyon o bayan na makabuluhan para sa Master Planning.

Inihayag naman ng mambabatas ang katanungan sa Department Of Public Works and Highways na kung walang pondo para sa flood control ay paano maipapatupad ang kanyang proyekto sa distrito.

Sa kabila nito, hangad na matalakay pa ng mambabatas ang iba pang punto ukol dito para solusyonan ang mga problema sa proyektong pang imprastraktura na nakakaperwisyo sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments