Budget sa sektor ng edukasyon sa 2025, hindi totoong naungusan ng DPWH

Iginiit ni Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun na ang sektor pa rin ng edukasyon ang may pinakamalaking budget sa ilalim ng niratipikang 2025 national budget.

Diin ni Khonghun, mas mataas ito ng P22 bilyon sa pondong nakalaan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Khonghun, fake news at paninira lang sa Kongreso ang ipinakakalat na impormasyon na malaki ang budget ng DPWH kaysa sa edukasyon sa ating national budget para sa susunod na taon.


Binanggit ni Khonghun na base sa opisyal na datos, ang kabuuang budget ng education sector ay P1.055 trilyon samantalang ang budget ng DPWH ay P1.033 trilyon.

Dagdag pa ni Khonghun, nananatiling prayoridad ang edukasyon alinsunod sa Konstitusyon.

Facebook Comments