Manila, Philippines – Pinagkokomento ng Korte Suprema ang Department of Budget and Management at si Secretary Benjamin Diokno kaugnay sa petition for mandamus na inihain ni Cong. Rolando Andaya Jr.
Sa En banc session kanina sa Korte Suprema, tinalakay ang petisyon na humihiling na ipatupad na ngayong buwan ang ikaapat na bugso ng umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno alinsunod sa nakasaad sa Salary Standardization Law.
Una nang sinabi ni Andaya na walang ligal na balakid para ipatupad ng Budget department ang ika-apat na tranche ng wage increase.
May bahagi kasi anya sa reenacted budget na maaring mapagkunan ng mahigit P40 billion na pondo para sa SSL.
Facebook Comments