Budol-budol modus, huli sa CCTV

Manila, Philippines – Huli sa CCTV ang budol-budol modus ng isang babae sa Valenzuela City.

Sa video, makikitang naglalakad lamang ang 13-anyos na babae sa karuhatan road nang biglang sundan siya ng isang babae.

Ilang sandali, nag-uusap na ang dalawa at sabay na naglakad patungo sa isang paradahan kung saan hinalungkat na ng suspek ang bag ng biktima.


Ayon kay barangay Karuhatan ex-o Patrick Perez – nakuha ng suspek ang wallet at cellphone.

Pinalabas ng suspek na nanay ito ng kaklase ng biktima.

Ito na ang ikatlong beses ng modus sa lugar kung saan ang mga nabibiktima ay mga estudyante.

Dagdag pa ni Perez, pahirapan din ang paghuli sa suspek dahil paiba-iba ang oras ng pag-atake nito.

Paulit-ulit na paalala ng mga awtoridad na huwag basta-basta maniwala at sumama sa mga taong hindi kilala.

Facebook Comments