Pansamantalang sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng Buena Sher Transport.
Kasunod ito ng kinasangkutang aksidente ng isa nitong bus sa NLEX noong Biyernes kung saan walo ang nasawi at 25 ang sugatan.
Dahil dito, hindi muna makakabiyahe ang lahat ng bus ng Buena Sher habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Pagpapaliwanagin din ang bus company kung bakit hindi dapat makansela ang kanilang prangkisa.
Facebook Comments