Manila, Philippines – Plano ng National Food Authority (NFA) na bumuo ng karagdagang insentibo para sa mga magsasaka.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – layunin nito na maibenta ang palay ng mga magsasaka sa higit 20 piso kada kilo para maitaas ang buffer stock ng NFA.
Aniya, habang nananatili sa 17 pesos per kilo ang buying prices, dadagdagan ang mga insentibo para ibenta ng mga local farmers ang kanilang palay sa NFA.
Sakop ng insentibo ay transportasyon at delivery.
Kapag naman basa ang palay, magtatayo sila ng drying facilities sa mga NFA buying stations na maaring gamitin ng mga magsasaka ng libre.
Ang NFA ay mayroong 279 buying stations sa buong bansa ay maari itong puntahan ng mga magsasaka para ibenta ang kanilang palay.
Facebook Comments