Mayroon nang sapat na bigas ang bansa sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari.
Ito ay dahil nakabili na ng aabot sa 14 bilyong piso na halaga ng palay ang National Food Authority sa main crop season noong nakaraang taon.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, nalampasan nito ang target nila noong nakaraang taon.
Sinabi ng Kalihim na wala pang planong umangkat ang gobyerno ng bigas sa ibang bansa dahil prayoridad nilang bilhin muna ang lahat ng naaning palay ng mga magsasaka.
Wala rin anya sa mandato ngayon ng NFA na umangkat ng bigas base na rin sa isinasaad ng Rice Tarrification Law.
Tanging trabaho lamang nila ay ang magkaroon ng buffer stock na gagamitin sa emergencies, calamities sa pamamagitan ng pagbili ng mga palay mula sa mga local farmers