Manila, Philippines – Kalaboso ang tatlong bugaw na nag-aalok ng mga babaeng teenager sa mga dumaraang motorista sa Marikina City.
Kinilala ang mga suspek na sina Marwin Raya, Shiela Borromeo at Arlie Peña.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, nahuli ang mga suspek sa entrapment operations matapos mag-offer ng isang 17-anyos na babae sa mga motorista sa kahabaan ng Marcos Highway.
Bawat aniya customer ay sinisingilan ng 1,000 hanggang 5,000 pesos kapalit ang serbisyo ng mga ibinubugaw na babae.
Nalaman din ni Aguirre na ang mga biktima ay nakikipagtalik sa dalawa hanggang tatlong customer sa isang gabi.
Hinatulan ng Marikina City Regional Trial Court (RTC) Branch 168 ang tatlong bugaw na guilty sa paglabag ng Anti-Trafficking in persons Act of 2003.
Sila ay sinentensiyahan ng tig-15 taong pagkakakulong, may tig-P1 milyon multa, at pinagbabayad ng P50,000 sa bawat complainant bilang moral damages.