Palawan – Arestado ang dalawang lalaki at isang babae matapos umanong mambugaw ng ilang menor de edad sa bayan ng Roxas, Palawan.
Kinilala ang mga suspek na sina Emiliano Cangayao, may-ari ng isang bar; Chrishiel Turtoga, na itinuturong recruiter ng menor de edad; at Rodel Mortel na residente ng Puerto Princesa.
Ayon sa NBI, lumapit sa kanilang opisina ang magulang ng isa sa mga biktimang menor de edad at agad silang nagkasa ng operasyon kung saan isang 15-anyos at isang 17-anyos ang nasagip.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI ang tatlong suspek na nahaharap sa patong-patong na kaso habang natakda ring ipasara ang bar kung saan na-rescue ang ilang menor de edad.
Facebook Comments