BUGBOG | Isang sundalo at anak nitong lalaki, arestado matapos manggulpi

Davao City – Kalaboso ang isang sundalo at ang anak nitong lalaki matapos gulpihin ang isang guwardiya at isang 10-anyos na batang nangangaroling sa Brgy. Matina Pangi, Davao City.
Nakilala ang suspek na sina Sergeant Arlindo Estoce Menguito at ang anak nitong si Arlon.
Sa ulat, binubugbog ni Arlon ang nangangaroling bata at nanay nito ng awatin ng hindi pa nakikilalang guwardiya kung saan siya na ang pinagbuntungan ng suspek at tumulong pa ang tatay nitong sundalo na nanutok pa ng baril.
Hindi pa nakuntento ang mag-ama at nagwala pa sila sa loob ng subdivision dahilan para tumawag ng mga pulis ang kanilang kapitbahay saka sila ipinaaresto.

Facebook Comments