BUGBUGAN | Isa sugatan habang ilang lalaki, inaresto sa gitna ng botohan sa Taguig City

Taguig City – Arestado ang ilang lalaki matapos masangkot sa nangyaring bugbugan sa gitna ng botohan sa Maharlika Village sa lungsod ng Taguig, City.

Kinilala ang dalawa sa mga naaresto na sina Rasti Dumaraya at Khalid Macalin, tagasuporta ng isa sa mga kumakandidatong chairman sa barangay.

Sugatan naman si Ibrahim Ismael, tagasuporta ng isa pang tumatakbo para sa barangay chairman sa nangyari insidente bago magsara ang mga presinto ng botohan.
Napag-alamang magtiyahin pala ang magkaribal na kandidato sa Maharlika Village.


Facebook Comments