Cauayan City – Opisyal ng idineklara bilang “Crab Capital of North Luzon” ang bayan ng Buguey, Cagayan, nito lamang ika-26 ng Hulyo, taong kasalukuyan.
Opisyal na nilagdaan ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., ang Administrative Order, kung saan pormal itong ipinasakamay sa bayan nina DA Region 2 Regional Executive Director Dr. Rose Mary Aquino, at BFAR Regional Director Anger Encarnacion kasabay ng pagdiriwang ng ikatlong Malaga at Guraman Festival.
Tinatayang nasa 40% o 45.78 metric tons mula sa 70.5% ng mudcrub production sa hilagang bahagi ng bansa ang naiambag ng bayan ng Buguey, Cagayan noong nakaraang taon.
Samantala, ang deklarasyon ay isa ring paraan ng pagbibigay pagkilala dahil malaking tulong ang crab production sa pag-angat ng ekonomiya ng Rehiyon, kung saan nagsilbi rin itong daan upang masuportahan sa loob ng sampung taon ang mga negosyong may kaugnay sa pag-aalimango.
Sa ngayon, mayroon ng limang executice order ang naibigay mula sa iba’t-ibang bayan sa lambak ng Cagayan.