BUHANGING NAIPON SA KALSADA SA BONUAN GUESET, DAGUPAN CITY, INALIS PARA SA MAS MAAYOS NA DALOY NG TRAPIKO

Isinagawa ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng City Engineering Office katuwang ang Barangay Council, ang clearing operation sa Paras Street, Bonuan Gueset, Dagupan City.

Inalis ang makapal na buhangin na naipon sa kalsada matapos tangayin ng malalakas na hangin isang linggo matapos ang pananalasa ni Bagyong Uwan.

Layunin ng operasyon na maiwasan ang mga aksidente, lalo na ang pagdulas ng mga sasakyan, at masiguro ang maayos na daloy ng trapiko sa lugar.

Samantala, patuloy pa ring dumagsa ang mga motorista at turista sa Bonuan Tondaligan Beach nitong nagdaang weekend sa kabila ng mga bakas na iniwan ng bagyo.

Nagpaalala rin ang mga awtoridad sa publiko na mag-ingat sa pagbisita sa baybayin at panatilihin ang kalinisan sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng basura.

Facebook Comments