Buhawi nanalasa sa isang Mall sa Rosales Pangasinan

Nawasak ang ilang bahagi ng isang Mall sa Rosales Pangasinan dahil sa pananalasa ng buhawi alas siyete Lunes ng gabi.
Ayon sa PNP Rosales dahil sa malakas na buhawi na may kasamang ulat at kidlat nagresulta ito sa pagbagsak ng pader sa isang building ng Mallat 18 sasakyan na nakaparada ang naapektuhan nito. Ang ilang sasakyan ay pag mamay-ari ng ilang mall goers.
Isinara na muna ng mall ang building na apektado upang para seguridad ng mga customer nito.
Wala namang naitalang nasugatan sa nasabing insidente ngunit patuloy ang paalala ng awtoridad iwasan ang mga bintana n maaring mabasag ang salamin, pumunta sa pinakamababang palapag ng bahay, at takpan ang ulo gamit ang kamay.
Inaalam pa ng PNP Rosales ang danyos ng buhawi.
[image: 58631046_409756096523117_1741492922223689728_n.jpg]

Facebook Comments