BUHAY | Baron Geisler, tinawanan lang ang balitang patay na daw ito

Manila, Philippines – Tinawanan lamang at idinaan sa biro ni Baron Geisler ang kumalat sa social media na siya ay patay na.

Sa kaniyang twitter account, nagpost si baron ng larawan habang nagbabasa ng dyaryo kung saan isa daw itong paraan para ipakitang buhay at humihinga pa daw siya.

Bukod dito, kaniya din sinabi na huwag paniwalaan ang mga kumalat na fake news bagkus ay mag-research ng mabuti para lumabas ang katotohanan.
Dagdag pa nito, may bahagyang katotohanan ang nasabing balita dahil aniya tila namatay na ang luma niyang ugali at siya ay nagbago na.
Matatandaan na patuloy ang ginagawang recovery nito mula sa pagiging alcoholic kung saan muli itong pumasok sa rehablitation noong March 2018.


Facebook Comments