Manila, Philippines – Nakahandang humarap sa anumang imbestigasyon ang aktor at Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board (TPB) na si Cesar Montano dahil sa pinasok nitong deal para sa “Buhay Carenderia Project”.
Ayon kay Montano, handa niyang iprisinta ang lahat ng dokumento upang mapatunayang hindi siya kumita sa transaksyon kahit naglaan ng P80 million fund ang DOT.
Sinabi pa ni Montano na pinasok niya ang kasunduan para sa promosyon ng mga pagkaing Pinoy dahil ganito na rin ang sistemang kanilang nadatnan.
At kung magpapatawag din ng imbestigasyon ang DOT o ng inquiry ang senado, handa siyang dumalo para ipagtanggol ang sarili.
Ipinatigil naman ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang nasabing proyekto dahil sa kawalan ng bidding pero kailangan pa ring mabawi ang naibayad na pera sa kompaniyang nasa likod ng deal.